Resolusyon para bigyang pagkilala ang SB19, inihain sa Kamara
MANILA, Philippines — Isang resolusyon ang inihain ni Negros Occidental Third District Representative Javier Miguel L. Benitez para bigyang pagkilala ang Pinoy Pop supergroup na SB19.
Ito ay matapos italaga ng Department of Tourism (DOTr) ang SB19 bilang tourism ambassadors at ang makasaysayang matagumpay na performance sa Lollapalooza 2026 at Major League Baseball.
Pinangalanan ng DOT ang SB19 bilang pinakabagong tourism ambassadors noong July 26 base na rin sa kanilang 2021 appointment bilang Youth and Sentro Rizal Ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts.
Matatandaan na noong July 29, ginawa ni Josh Cullen ang ceremonial first pitch sa Chicago White Sox game kontra New York Yankees, na kauna-unahan para sa P-pop group sa standard game night.
Kinabukasan ay pinangunahan naman nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin bilang first homegrown Filipino act na mag-perform sa Lollapalooza, nagbigay ng 10-song set sa Allianz Stage sa Grant Park.
Binibigyang-diin din sa resolusyon na ang kasuotan ng grupo sa kanilang pagtatanghal ay nagbigay ng inspirasyon mula sa iba’t ibang elementong Pilipino, kabilang ang mga disenyo mula Ayala Museum’s “Gold of Ancestors” collection, Ifugao brass pendants, at indigenous embroidery patterns.
Nakapaloob din sa resolusyon ang kahilingang maipadala ang mga kopya nito sa mga miyembro ng SB19.
- Latest















