NTF-ELCAC ginunita 2nd anniversary ng hatol sa Talaingod
MANILA, Philippines — Ginunita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ikalawang anibersaryo ng hatol ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2, Tagum City laban sa mga akusado sa kasong Talaingod.
Noong Hulyo 15, 2024, hinatulan ng RTC na guilty beyond reasonable doubt sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, at 11 iba pa sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o batas laban sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata. Ipinataw ng korte ang parusang pagkakakulong na mula apat na taon, siyam na buwan at 11 araw hanggang anim na taon, walong buwan at isang araw, bukod pa sa pagbabayad ng danyos sa mga menor-de-edad na biktima.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto C. Torres Jr., ang hatol ay patunay ng kahalagahan ng Rule of Law, due process, at pananagutan sa ilalim ng sistema ng hustisya.
- Latest




















