GoreBox binura na sa Google, Steam sa Pinas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang tinanggal ang mobile at PC game na GoreBox sa Google Play Store at Steam sa Pilipinas.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na dahil sa masusing pakikipag-ugnayan ng gobyerno ay pinagbigyan ng Google ang kahilingan nito alisin ang nasabing online gaming. Dahil dito, hindi na maaring i-download o laruin ang GoreBox sa Pilipinas. Kahit ang mga users na nakapag-download na nito bago maging epektibo ang restriction ay hindi na rin maaring ma-access ang laro.
Ikinatuwa naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mabilis na aksyon ng Google at Steam na makipagtulungan sa pamahalaan para isulong ang mas ligtas na online environment para sa ma kabataan.
Matatandaan na noong Hunyo 23 ay inanunsiyo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang temporary ban sa Gorebox.
Ito ay dahil lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na isa sa mga suspek sa school shooting sa Tacloban ay masugid na manlalaro ng GoreBox.
- Latest


















