Santos nagsoli ng P15 milyon sa DOJ
MANILA, Philippines — Nagsoli ng mahigit-kumulang P15 milyon ang kontratistang si Sally Santos, ang may-ari ng isa sa construction firm na dawit sa flood control scandal.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Polo Martinez na ang P15-M ay bahagi ng restitution na nilagdaan ni Santos sa ilalim ng Memorandum of Agreement.
“I just received word that the armored vehicles that arrived earlier today carried the amount of more or less PHP 15-M as part of the partial restitution by Sally Santos pursuant to the terms of her MOA,” ani Martinez.
Una nang umamin si Santos sa pagdinig na ipinahiram niya ang kanyang lisensya sa mga engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para gamitin sa mga proyekto.
Sinabi niya rin na nakolekta niya ang 3% na royalty fee mula sa mga proyektong kinasangkutan ng kanyang kumpanya bagamat nilinaw niya na hindi niya alam na gagamitin sa maanomalyang infrastructure projetcs ng gobyerno.
Una nang nagsoli sina dating DPWH engineers Henry Alcantara at Brice Hernandez.
- Latest


















