^

Bansa

La Niña alert itinaas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
La Niña alert itinaas
Sa climate monitoring at analysis ng PAGASA, nagkaroon pa ng paglamig sa sea surface temperatures (SSTs) sa central at eastern equatorial Pacific.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang La Niña alert dahil sa posibilidad na maranasan ang pagtaas ng La Niña conditions sa bansa bago matapos ang taon.

Sa climate monitoring at analysis ng PAGASA, nagkaroon pa ng paglamig sa sea surface temperatures (SSTs) sa central at eastern equatorial Pacific.

Batay sa climate models kaagapay ang expert judgements, mayroon nang 70 percent na tsansa na magkakaroon ng La Niña sa bansa sa Oktubre ngayong taon hanggang Disyembre 2025 na posibleng tumagal pa hanggang Pebrero 2026.

Dahil dito, ang umiiral na PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) alert and Warning System ay itinaas na sa La Niña alert.

Kung tuluyang makararanas ng La Niña sa bansa ay magkakaroon ng above-average na dami ng tropical cyclone at mas mataas na tsansa na mararanasan ang above-normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa.

Ang La Niña ay ang pag-iral ng mas maraming ulan kaysa sa normal condition.

LA NIñA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with