^

Bansa

Cash, bigas ipapamahagi ng gobyerno sa Benguet

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cash, bigas ipapamahagi ng gobyerno sa Benguet
Rice retailers receive cash assistance from the government on September 13, 2023.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi lang cash kundi pati bigas ang ipapamahagi ng administrasyong Marcos sa libu-libong residente sa lalawigan ng Benguet sa darating na Linggo.

Pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang cash and rice distribution o card program ng pamahalaan.

Ito na ang ika-20 lalawigan na bibigyan ng ayuda ng gobyerno para sa mga mahihirap na kababayan.

Ayon kay House Speaker Romualdez, “tinutupad lang ni Pangulong Marcos ang pangako na prayoridad sa kanyang administrasyon ang mga mahihirap na sabay-sabay na aahon at hindi sila maiiwan”.

“Ang kongreso ay naglaan ng malaking halaga para sa programang ito at tuluy-tuloy ito sa ilalim ng kasaluku­yang administrasyon”, ani Romuladez.

Pagtiyak pa ng Speaker, lahat ng lalawigan sa bansa ay daraanan ng ayuda program na pamahalaan.

Layon anya ng programa na makaagapay ang mga maliliit na kababayan natin sa mga gastusin at pangkain sa araw-araw.

Para naman kay Benguet Lone District Cong. Eric Yap, ang pagdala ng ayuda ni Speaker Romualdez ay natiyempo kung saan ay nararanasan ang matinding El Niño sa lugar.

“Malaking tulong lalo na sa mga magsasaka namin dahil alam nyo naman ang Benguet ang isa sa mga source ng gulay ng Luzon at ngayon ay nakakaramdam ng epekto ng El Niño”, ayon kay Yap.

vuukle comment

CASH

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with