^

Bansa

2 Pinoy nasugatan sa sunog sa Hongkong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 Pinoy nasugatan sa sunog sa Hongkong
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Cacdac, nakatanggap sila ng ulat na may isang Pinoy pa ang nasugatan sa natu­rang sunog.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa dalawa ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa isang malaking sunog na sumiklab sa Hongkong kamakalawa.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Cacdac, nakatanggap sila ng ulat na may isang Pinoy pa ang nasugatan sa natu­rang sunog.

Hindi pinangalanan ang Pinoy na nagtamo aniya ng sugat mula sa bubog ng salamin ng pintuan, na kinailangan niyang basagin upang hindi makalanghap ng usok.

Siya ay nananatili pa umano sa pagamutan at nilalapatan ng lunas dahil sa kanyang mga sugat.

Nakakuha na umano siya ng permanent residency status sa Hong Kong ngunit nananatiling aktibong miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Una nang iniulat ni Cacdac kamakalawa na isang Pinay ang nakalanghap ng usok sa naturang sunog.

Ang matandang Pinay ay permanent resident na ng Hong Kong Special Administrative Region (HK-SAR).

Tiniyak din ni Cacdac na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon, katuwang ang kanilang Migrant Workers Office at Philippine Consulate General sa Hong Kong.

Una nang napaulat na limang katao ang nasawi habang 30 katao ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang 200-unit na gusali sa Kowloon District ­kamakalawa ng umaga.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with