^

Bansa

Bagong Pilipinas rally walang konek sa Cha-cha - PCO

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pahayag na gagamitin para sa charter change (Cha-cha) ang gagawing Bagong Pilipinas kick off rally ngayong araw Enero 28.

Sinabi ni PCO Undersecretary Gerard Baria sa isang News Forum na ang nasabing aktibidad ay hindi para sa Chacha kundi pagpapakita lamang ng commitment sa kanilang trabaho at wala nang iba pang dahilan.“[Charter change] is within the territory of Congress; it is not part of the responsibilities of the Executive. The focus tomorrow will be specifically for Bagong Pilipinas… to communicate the govern­ment’s commitments to level up services,” ayon kay Baria.

Siniguro din ito ni PCO director Cris Villonco at sinabing bilang nangangasiwa ng event na hindi Chacha ang kanilang pakay.

“We are talking about empowering the Filipino at its very core,” giit pa niya.

Pahayag pa ni Baria na nanggugulo lamang ang mga nagsasabing ang gagawing rally ay pagkukunyari para isulong ang Chacha.

Nauna nang sinabi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na ang gagawing pagtitipon ay pag-aaksaya lamang ng pondo ng bayan.

Iginiit naman nina Baria at Villonco na ang kahalagahan ng Bagong Pilipinas ay dapat lang ipagmalaki at ipamalita dahil kailangan natin ito at ang tulong ng lahat.

Samantala, nilinaw ng PCO na boluntaryo ang pagdalo ng mga empleyado ng Malakanyang ngayong rally.

Ang pahayag ay kasunod sa ilang ulat na may ilang empleyado ng gobyerno ang pinapadalo sa aktibidad.

Ang Bagong Pilipinas kickoff ay gagawin sa Quirino Grandstand sa Maynila alas-3 ngayong hapon at inaasahang dadaluhan ng mga government officials, mga artista at iba pang personalidad.

Pangungunahan ng First Family ang naturang pagtitipon na inaasahang dadaluhan ng 200,000 katao mula sa ibat ibang sektor.

vuukle comment

CHA-CHA

PCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with