^

Bansa

Pinas, ika-3 sa pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pinas, ika-3 sa pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia
Philippine Navy and Philippine Marines personnel conduct a rehearsal at the Rizal Park on December 28, 2023 in preparation for the commemoration of Rizal Day on December 30, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Pilipinas ang ikatlong puwesto sa mga bansang itinuturing na pinakaligtas sa buong Southeast Asia, ayon sa resulta ng Global Law and Order Report 2023 ng Ameri­can analytics firm na Gallup.

Nabatid na nakakuha ang Pilipinas ng law and order index score na 86. Nanguna naman sa survey ang Vietnam na may score na 92 at pangalawa ang Indonesia, 90.

Batay sa pag-aaral, tinanong ang mga respondent hinggil sa kumpiyansa nila sa local police force at pakiramdam kung ligtas habang naglalakad nang mag-isa sa gabi.

Pagdating naman sa buong mundo, nakapasok ang Pilipinas sa ika-33 bansa na may mataas na score mula sa 140 mga bansang kalahok sa survey.

Ikinatuwa naman ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang report at sinabing magsisilbi itong gabay sa pulisya upang ipagpatuloy ang misyon nitong pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga komunidad.

Aniya, indikasyon lamang ito na mas tumaas ang tiwala ng taongbayan sa mga alagad ng batas.

Naniniwala si Acorda na malaki ang maitutulong nito upang mas marami pang investors at turista ang mahikayat na bumista sa bansa.

Binigyan-diin din ng PNP Chief, na matagumpay na napanatili ng Pambansang Pulisya ang kapayapaan at seguridad sa bansa dahil sa malaking suporta ng mga mamamayan.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with