^

Bansa

Jobless Pinoys bumaba sa 7.9 milyon - SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jobless Pinoys bumaba sa 7.9 milyon - SWS
Shoppers flock to Divisoria in Manila on December 20, 2023.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umaabot sa 7.9 milyong Pinoy ang walang trabaho sa ikatlong quarter ng 2023, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Ito na ang pinakamababang bilang ng jobless Pinoy mula 2017.

Batay sa survey mula September 28-Oct. 1, ang adult joblessness rate ay 16.9 percent ng adult labor force o yaong mga may trabaho at naghahanap ng trabaho.

Ito ay may pagbaba mula sa 22.8% sa katulad na survey noong Hunyo na nasa 10.3 milyon na pumalo sa 15.7% noong December 2017.

Ang adult joblessness rate ay kabibilangan ng mga adult na umalis sa kanilang trabaho, nawalan ng trabaho at mga naghahanap ng trabaho.

Ang unemployment at underemployment rates ay mula 15 years old pataas na nasa 15.4% nitong October 2023.

Mas marami ang mga babae na walang trabaho na nasa 21% at 14% sa kalalakihan.

vuukle comment

EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with