^

Bansa

Bong Go kampeon ng healthcare sa komunidad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kampeon ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa, ininspeksyon ni Senator Christopher “Bong” Go ang Sorsogon Cancer Treatment Center at ang bagong gawa na Sorsogon Provincial Hospital sa Sorsogon City.

Ang mga proyektong ito ay sinuportahan ni Go sa kanyang kapasidad bilang chairperson ng Senate committee on health at vice chairperson ng committee on finance.

Para kay Go, mahalaga ang ugnayan sa pagitan ng kalusugan at pag-unlad kaya patuloy siyang nakatuon sa pagpapabuti ng healthcare sa mga komunidad.

Tinitiyak niya na ang mga healthcare service sa publiko at mga pasilidad ay ma-access ng mahihirap at ng mga higit na nangangailangan ng tulong ng gob­yerno.

“Kamakailan ay isinulong ko na mabigyan ng kaukulang pondo ang Sorsogon Provincial para ma-renovate, mapalaki at mapaganda ito, at mabigyan din ng karagdagang hospital equipment,” ani Go.

“Kasama ang mga lokal na opisyal noon sa pamumuno ni dating gobernador at kapwa ko senador Chiz Escudero, isinulong rin natin ang pagtatayo ng cancer treatment center dito sa Sorsogon para mabigyan ng karampatang atensyon ang mga may ganitong sakit,” dagdag niya.

Idiniin ni Go na ang mga hakbanging ito ay umaakma sa naisabatas kamakailan na Regional Specialty Centers Act na pangunahin niyang itinaguyod at isa sa nag-akda sa Senado.

“Di ba ang Heart Center, nasa Quezon City? Ang Lung Center, nasa Quezon City. Ngayon po, ilalagay na po ito sa mga existing DOH (Department of Health) regional hospitals,” ayon kay Go.

“It’s a multi-year plan of the government, a five-year plan, na maglalagay ng mga heart care center, neonatal, ortho, brains, spine, kidney, lung, sa iba’t ibang DOH regional hospitals para hindi na nila kaila­ngang magbiyahe ng Metro Manila,” anang senador.

Isang paraan aniya ito para mailapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng regional specialty centers.

vuukle comment

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with