^

Bansa

Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon
Residents of Barangay San Nicolas in Binondo, Manila go about their daily routine on September 20, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Lumobo pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto.

Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar.

Sa kabuuang debt stock, 31.8 percent dito ay inutang sa labas ng bansa habang ang 68.2 percent ay inutang sa loob ng bansa.

Lumalabas na ang domestic debt o utang sa loob ng bansa nitong katapusan ng Agosto ay umabot na sa P9.79 trilyon.

Habang ang utang sa labas ng bansa ay umakyat sa P4.56 trilyon na P126.52 bilyon o 2.9 percent mas mataas “mont-on-month dahil sa huminang piso.

Matatandaan na ang running debt stock ng national government nitong katapusan ng Hulyo ay P14.24 trilyon matapos na itaas ng gobyerno ang kanilang fund raising efforts sa domestic market bilang suporta na rin sa budgetary requirements.

vuukle comment

MONEY

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with