^

Bansa

Tropical Storm Jenny posibleng maging bagyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng maging ganap na bagyo ang Tropical Storm “Jenny” ngayon o bukas kasabay ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng northernmost parts ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, si “Jenny” ay namataan 835 kilometers east ng Central Luzon kahapon ng madaling araw taglay ang lakas ng hangin na 85 km kada oras at pagbugso na aabot sa 105 kph. Kumikilos din ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Magdadala ng pag-­ulan ang buntot ng Tropical Storm Jenny sa ­Isabela, Aurora, Quezon Province at Bicol Region habang Southwest Monsoon o hanging Habagat ang magpapaulan sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, BARMM at buong Visayas sa loob ng tatlong araw.

Maaari ding magdala ng malakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte sa Miyerkules o Huwebes.

Tinatayang kikilos ang bagyong Jenny pa-hilagang kanluran hanggang ngayon bago lumiko pa-kanluran hilagang kanluran  bukas patungo sa Luzon Strait at pa-kanluran sa Huwebes. Ang bagyong “Jenny” ay dadaan sa gitna ng Batanes at katimugang Taiwan sa Miyerkules ng gabi.

Inaasahang mananatili sa kanyang lakas si “Jenny” at aabot sa ­kategorya na typhoon na may 150 kph sa Martes.

vuukle comment

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with