^

Bansa

Feeds store owner pinatay, isinako!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Pinasok, hinataw ng helmet at sinakal

CAVITE, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang may-ari ng feeds store na mahigit isang linggo nang nawawala matapos na matagpuang patay  at nakasilid sa na isang sako sa isang lugar sa Brgy. Pooc, Silang, dito, kamakalawa.

Ayon sa Silang Police, ang pagkakadiskubre sa bangkay ng negosyanteng si Joseph Oliver Ilagan, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar ay bunsod sa pagkakaaresto sa suspek na responsable sa krimen.

Kinilala ang suspek na si Nicolo Drew Andaleon alias “Niko”, 22-anyos, na nahaharap sa kasong robbery with homicide.

Sa imbestigasyon, Agosto 14, 2023 nang pasukin ng ‘di nakilalang lalaki ang tindahan ng feeds ni Ilagan.

Sa nakalap na CCTV footage, kitang kita rito ang pagpasok ng lalaki sa tindahan ng biktima at ang paglabas nito na bitbit ang isang puting sako.

Ayon kay Police Col. Ardie Bagaman, hepe ng Silang Police, hind umano agad naiulat ang pangyayari hinggil sa walang nakabatid sa insidente.

Makalipas umano ang may dalawang araw ng may matanggap silang ulat na may natagpuang isang patay na lalaki na nakasilid sa sako sa may Brgy. Pooc ng bayan ding ito. Wala pang pagkakilanlan sa biktima kung kaya blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan sa bangkay nito hanggang sa may mag-report sa kanila hinggil sa nawawalang tao na may mahigit isang linggo na.

Positibo namang ki­ni­lala ng pamilya, na ang natagpuang bangkay na nakasako ay ang nawawalang si Ilagan.

Sa follow-up ng pulisya, nakakalap sila ng CCTV footage at dito nagkaroon ng linaw ang kirmen na nagbunsod sa pagkakatagpo sa bangkay na positibong nakilala na ito na ang nawawalang may-ari ng feeds shop hanggang sa matukoy at maaresto ang salarin.

Sa interogasyon, ami­­nado ang suspek sa gi­nawang pagpatay sa bik­tima.

Ayon sa suspek, pinasok niya ang naturang shop upang pagnakawan subalit nakita siya ng biktima kung kaya agad niyang hinataw ng helmet sa ulo at nang bumagsak ay saka sinakal ang biktima hanggang sa malagutan ng hininga.

Upang maitago ang krimen, inilagay ng suspek sa sako ang bangkay saka itinapon sa Silang, Cavite.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with