^

Bansa

FPJ Panday Bayanihan ni Senator Poe tinulungan mga biktima ng Rizal boat tragedy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng tulong pinansiyal ang FPJ Panday Bayanihan Foundation nitong Sabado, Agosto 12, sa pamilya ng 27 kataong nasawi sa paglubog ng M/B Aya Express noong nagdaang buwan.

Ang non-profit organization na pinamumunuan ni Brian Poe-Llamanzares ay nagbigay ng P5,000 cash aid para sa naulilang pamilya ng mga pasaherong namatay sa ­paglubog ng bangka sa Laguna Lake, sa bahagi ng Binangonan, Rizal noong Hulyo 27.

Personal na nagtungo si Poe-Llamanzares sa kamag-anak ng dalawa sa mga nasawi sa kanilang tahanan sa Barangay Pila-Pila sa Binangonan.

“Labis kaming nakikidalamhati. We know, and we humbly admit it, that this is not enough. Hindi nito matutumbasan ang mga buhay na nawala,” sabi ng anak at chief-of-staff ni Sen. Grace Poe.

Katuwang ng FPJ Panday Bayanihan Foundation ang tanggapan ni Senador Poe sa pagbigay ng tulong sa mga biktima ng trahedya.

Noong Agosto 8, pinangunahan ni Poe, chair ng Senate Committee on Public Services ang pagdinig sa paglubog ng M/B Aya Express kung saan inusisa ang isyu ng kaligtasan sa operation at maintenance ng bangka. Nalaman din ng mga senador na walang lisensiya para mag-operate ng bangka ang kapitan ng M/B Aya Express.

Dumalo sa pagdinig ang ilan sa mga nakaligtas at mga kamag-anak ng mga nasawi sa trahedya.

Ang FPJ Panday Bayanihan Foundation, na ipinangalan sa yumaong actor Fernando Poe Jr. at kanyang movie series na “Ang Panday”, ay isang non-government organization na naglalayong paigtingin ang spirit of civic unity at  community service sa mga Filipino sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong sa mga mahihirap at sa mga nawalan ng tirahan dahil sa sakuna.

Itinatag ang foundation noong 2013 matapos manalasa ang bagyong “Maring” sa Pilipinas at nakaapekto sa 2.5 milyong katao.

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with