^

Bansa

COVID-19 patients dapat mag-isolate pa rin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 patients dapat mag-isolate pa rin
Batay sa updated DOH-Department Circular na may petsang Hulyo 23, ang isolation sa loob ng 5 araw ay kailangan para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, may sintomas man o wala.

MANILA, Philippines — Dapat na mag-isolate pa rin ang mga pasyente ng COVID-19 kahit inalis na ang public health emergency para sa coronavirus pandemic.

Batay sa updated DOH-Department Circular na may petsang Hulyo 23, ang isolation sa loob ng 5 araw ay kailangan para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, may sintomas man o wala.

Gayunman, maari nang hindi mag-isolate kung sila ay hindi na nagkaroon ng lagnat sa loob ng 24 oras nang hindi na umiinom ng gamot tulad ng paracetamol.

Para sa moderate at severe infections, kaila­ngang mag-isolate pa rin ng 10 araw sa simula pa lang ng sintomas.

Kasama rin sa upda­ted protocol na ang lahat ng nagpositibo sa COVID-19 ay dapat nakasuot ng ‘well-fitted mask’ sa loob ng 10 araw.

Hindi naman kailangan pang mag-quarantine ang mga na-expose sa mga taong COVID-19 positive kung walang nakikitang sintomas, subalit kaila­ngan nilang magsuot ng face mask sa loob ng 10 araw.

Hindi na rin mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga sumasakay sa pampublikong transportasyon subalit may karapatan ang nais na magsuot para protektahan ang sarili laban sa COVID at iba pang respiratory infections.

Inirirekomenda pa rin ng DOH ang pagsusuot ng face masks sa mga siksikang lugar o hindi sapat ang bentilasyon, para sa mga nakatatanda, immunocompromised, may underlying conditions, mga buntis, ‘di bakunado, at symptomatic individuals.

Hindi man mandatory sa mga health facilities ang pagsusuot ng face mask, inirerekomenda pa rin na magsuot, upang may proteksyon ang mga pasyenteng madaling mahawaan at mabawasan ang tsansa na makakuha ng impeksyon.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with