^

Bansa

Balasahan sa OTS, hiling ni Speaker

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipapatawag ngayong Lunes ni House Speaker Ferdinand Martine G. Romualdez ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) para hilingin ang pag-reshuffle ng mga opisyal at tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Papaano pa tayo manghihikayat ng mga turista sa ating bansa kung mga magnanakaw o extortionist ang ilang mga nagbabantay sa ating airport,” galit na pahayag ni Romualdez.

Ayon sa kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte, “habang abala sa panghihikayat ang Department of Tourism sa mga turista na pumasyal sa bansa, iba naman pala ang plano nitong ilang OTS personnel sa kanila.”

“Prayoridad ng Pangulong Marcos na palaguin ang tourism industry natin para makabangon tayo mula sa pandemya. Pero papaano tayo mag-iimbita ng mga bisita kung bantay-salakay naman ang ilang security natin sa airport?” tanong ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez, “I will recommend to DOTr Sec. Jimmy Bautista to replace all OTS personnel at the airport with honest and professional ones.”

Idinagdag pa ni Romualdez na payagang mag-reapply ang mga OTS personnel na may magandang rekord upang makabalik sa trabaho.

Ipinanukala pa ng speaker na sumailalim sa lie detector test at training ang mga kuwalipikadong makakabalik sa trabaho at maging ang mga bagong recruits.

vuukle comment

OTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with