^

Bansa

Lalaki namaril sa QC restobar nang 'maharangan' kanyang kotse

Philstar.com
Lalaki namaril sa QC restobar nang 'maharangan' kanyang kotse
Satellite image ng Timog Avenue sa Quezon City
Google Maps

MANILA, Philippines — Kalaboso ang bagsak ng isang mag-ama matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa isang restobar sa Timog Avenue sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Ang naturang insididente ay dahil diumano may nakaharang sa kanilang sasakyan dahilan para hindi sila makalabas. 

Agad nirespondehan ang insidente ng mga rumorondang pulis na naninita sa mga lumalabag sa health protocol sa mga restobar sa lugar.

Bukod sa 47-anyos na lalaki, huli rin ang kanyang 25-anyos na anak.

"So considering the quick response of our PNP member itong Kamuning Police Station personnel, naharang natin paalis na itong ah sinasakyang Adventure nitong mag ama kung saan immediately naharang ng ating pulis," ani P/Lt Colonel at Station Commander PS10 QCPD Elizabeth Jasmin sa DzMM Teleradyo.

Nagkagulo pa sa lugar at nakuyog ang mas batang suspek matapos ang sunud-sunod na pagpapaputok nito ng baril. 

Sinubukan pang itago ng mga suspek ang baril ngunit nadiskubre rin ito ng mga pulis sa hood ng kanilang sasakyan.

Takot naman ang bumalot sa ilang mga nakasaksi sa insidente dahil sa sunud-sunod daw ang pagpapaputok ng baril ng nakatatandang suspek.

Aminado ang mas batang suspek na sa kanya ang baril ngunit ayon sa kanya "accidental firing" ang nangyari. Pinaglalaruan lamang diumano niya ang kalibre 38 na baril ngunit bigla itong pumutok. 

Nakumpiska na ng PNP ang baril at naka-impound na rin sa Kamuning Police Station ang SUV ng mga suspek. 

"Wala po naman kaming napinsalang tao. Nadala lang po ng alak. Wala naman pong nasaktan o ano. Sana lang po mabigyan lang po ng bail. Mabigyan lang po kami ng bail," ayon sa 25-anyos na suspek sa ulat ng DzMM Teleradyo. 

Nahaharap sa mga reklamong illegal possession of firearms ang ama at alarm and scandal ang dalawa. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

QUEZON CITY

TIMOG AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with