^

Bansa

Active COVID-19 cases, higit 5K na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Active COVID-19 cases, higit 5K na
Shoppers wear face masks as protection against the coronavirus disease (COVID-19) while inside a market in Marikina City.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 5,000 ang bilang ng mga aktibong kaso ng CO­VID-19 sa bansa.

Batay sa COVID-19 bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon, nasa 5,113 ang active cases matapos na madagdagan pa ng 593 bagong kaso.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng active cases na naitala simula Mayo 3, 2022.

Sa ngayon, ang nationwide tally ng COVID-19 ay 3,697,793 na.

Sa naturang bilang, 3,632,196 ang nakarekober mula sa karamdaman matapos na madagdagan pa ng 333, habang nadagdagan din ng walo ang COVID-19 death toll at nasa 60,484 na sa ngayon.

Ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamataas na COVID cases sa nakalipas na dalawang linggo, na mayroong 2,793 kaso.

Sinundan ito ng Region IV-A (CALABARZON) na may 864 bagong kaso, Western Visayas (?458), Central Luzon (413), at Central Visayas (231).

Sa kabila naman nito, iniulat ng DOH na nananatili pa rin ang occupancy rate ng mga pagamutan sa ligtas na antas na nasa 17.5% lamang o 29,967 occupied beds.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with