^

Bansa

OFWs na tinamaan ng COVID-19 sa virus hit Hong Kong tumalon sa 221

Philstar.com
OFWs na tinamaan ng COVID-19 sa virus hit Hong Kong tumalon sa 221
People wearing face masks as a preventive measure against the Covid-19 coronavirus walk on a street in Hong Kong on March 2, 2022.
AFP/Dale de la Rey

MANILA, Philippines — Lalo pang dumami ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19, ito habang suspendido na sa naturang Chinese administrative region ang flights mula sa walong bansa — kasama na ang Pilipinas.

Sa tala ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Huwebes, sinabi ni Hong Kong Labor Attaché Melchor Dizon sa Laging Handa briefing na umabot na ang bilang sa 221.

Mula sa bilang na ito, 95 na ang naka-isolate sa bahay ng kanilang mga employers habang 43 na ang gumaling. 22 sa kanila ang nasa government quarantine facilities habang 22 ang nasa non-government organization facilities.

Anim naman sa mga nabanggit ay nananatili sa hotel facilities habang walo pa ang nasa mga ospital.

"Sa kasamaang palad medyo tumaas 'yung cases. From zero noong January (2022) nagkaroon ng mga more than 100. Tapos nitong February nag-start nang tumaas, nag-6,000, tapos nag-10,000, nag-20,000. Noong March 1, 32,000," wika ni Dizon kanina.

"Kahapon, ang reported cases ay 55,000."

Dagdag pa ni Dizon, magpapatupad na ng mandatory COVID-19 mass testing sa lahat ng 7.5 milyong temporary at permanent residents nito.

Nakatakda nang iuwi ng Pilipinas ang mga Pinoy na naapektuhan ng COVID-19 surge sa Hong Kong matapos lumabas ang mga ulat na ilang migranteng manggagawa roon ang pinapaalis ng kanilang mga employer.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, pangungunahan ni ecretary Delfin Lorenzana ang nasabing repatriation effort.

Una nang pinasinungalingan ni Labor Secretary Silvestre Bill III na sinisisante ng mga employers ang mga OFWs sa Hong Kong matapos magpositibo sa COVID-19.

Matatandaang sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na nagbigay na ang POLO ng ng pagkain, hygiene kits at power banks sa mga nasabing OFWs para agad nilang makausap ang Hong Kong authorities. — James Relativo

vuukle comment

HONG KONG

NOVEL CORONAVIRUS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with