^

Bansa

Face shield requirement 'walang kuneksyon sa korapsyon', giit ng Malacañang

James Relativo - Philstar.com
Face shield requirement 'walang kuneksyon sa korapsyon', giit ng Malacañang
A barangay worker checks the temperature of residents queuing in Barangay Baesa, Quezon City for financial aid from the government on Aug. 16, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga kritisismo at espekulasyon, naninindigan ang Malacañang na hindi pinagmumulan ng katiwalian ang pag-oobliga ng face shield ng Pilipinas sa ibabaw ng face masks kontra COVID-19 — ang bukod-tanging bansa na gumagawa nito sa mundo.

Biyernes lang nang bigong maipaliwanag ni Lloyd Christopher Lao, dating officer-in-charge ng Department of Budget and Management (DBM) procurement service, kung bakit sila bumibili noon ng face shields na anim na beses mas mahal kaysa sa binibili ng Philippine Red Cross (PRC).

"Wala pong relasyon 'yan [face shields sa katiwalian]. Ang pagsusuot po ng face shields... ay sang-ayon po sa mga opinyon ng eksperto [kontra COVID-19]," wika ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes, sa isang media briefing.

Matatandaang isiniwalat ni Lao na bumibili ang PS-DBM ng face shields sa halagang P120 kada piraso noon habang P20 lang ito kung bilhin ng PRC. Bumibili naman daw sila noon ng face masks na nasa P16 hanggang P27 gayong P5 lang ito kung sa PRC.

Una nang pinaghihinalaan ng ilang senador na kumi-kick-back ang ilang government officials sa face shields gayong "wala" pa raw naipapakitang solidong batayan para sabihing may dagdag proteksyon ito laban sa COVID-19.

Sa kabila nito, mahigpit na naninindigan ang Department of Health na malaki ang naitutulong ng pagsusuot ng face shields sa ibabaw ng face masks laban sa nakamamatay na virus, bagay na naidaan na raw noon sa mga pag-aaral. Suportado naman sila rito ng OCTA Research.

Disyembre 2020 nang ibaba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang naturang face shield requirement. Gayunpaman, merong ilang sitwasyon kung saan exempted sa paggamit nito tuwing nagtratrabaho at nagmamaneho ng bisikleta.

Expert opinion ng WHO vs DOH

Martes lang nang sabihin ng World Health Organization na pag-aaralan na nila kung gumagana ba talaga ang face shield policy ng Pilipinas laban sa COVID-19. 

Ani Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO representative to the Philippines, ginagamit ang face shields para mabawasan ang posibilidad ng transmission ng COVID-19 sa mata. Sa kabila nito, hindi pa raw tiyak kung may epekto ito sa pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant,

"That’s not actually an additional layer although it boosts the protection provided by poor mask-wearing practices," wika niya.

"So while we are understanding all of these issues, it’s best to look for evidence and make our decisions based on that."

Wine-welcome naman ni Roque ang pagsilip na ito ng WHO at sinabing aantayin ang kanilang expert opinion kung "justifiable" ang naturang panuntunan: "Antayin po natin 'yung opinyon ng WHO," dagdag niya.

Hulyo lang nang sabihin ng civil engineer na sana'y maisama ang iba pang eksperto gaya ng mga inhinyero pagdating sa pag-eengganyo ng face shields, lalo na't wind dynamics ang pinag-uusapan dito na maaaring hindi expertise ng mga doktor.

Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may "additive effect" ang pagpapatong ng face masks at face shields, bagay na sinusuportahan daw ng mga numero.

"[Kung] magsusuot ka lang ng mask, bibigyan ka lang niyan ng 67% protection. Magsuot ka lang ng face shield, bibigyan ka lang niyan ng konting porsyento na proteksyon," aniya noong 2020.

"Kapag ginamit niyo po 'yung mask at tsaka 'yung face shield, it gives you 93% protection. Kapag kayo po ay naka-mask with physical distancing, it gives you 94% protection. Kapag kayo ay naka-mask, naka-face shield at meron kayong distancing, it gives you 99% protection."

"Kompletuhin natin."

vuukle comment

CORRUPTION

FACE SHIELD

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with