_ngayon
^
Manggagawa exempted sa face shield requirement kung 'outdoors' ang trabaho
Construction workers at a building in Cubao, Quezon City keep the pace on June 9, 2021 amid the looming rain.
The STAR/Michael Varcas

Manggagawa exempted sa face shield requirement kung 'outdoors' ang trabaho

James Relativo (Philstar.com) - June 16, 2021 - 1:10pm

MANILA, Philippines — Inilinaw ng isang opisyal mula Department of Health (DOH) na hindi kinakailangang magsuot ng face shield laban sa COVID-19 ang isang tao kung nahihirapan silang magtrabaho dahil dito't nasa labas lang naman.

Ilang manggagawa kasi gaya ng mga karpintero, vendors, couriers at car wash staff ang nagrereklamong nahihirapan sila sa pagtatrabaho tuwing nagde-develop ng "moist" sa paningin.

"Ang mga face shields, kailangan naman talaga 'yan kapag nasa indoor ka, nasa mall ka or kapag may interaction ka na face-to-face na inside," wika ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, Miyerkules.

"Pero kapag nasa outside naman kasi, alam naman natin na [the] risk of transmission is very low, at lalong-lalo na baka naglalakad ka lang sa kalye o baka nagtratrabaho ka tapos mag-a-affect 'yung moist nito, so pwede niyo hong tanggalin 'yan."

Nabubuksan uli ngayon ng ilang sektor ang usapan kung maaari nang tanggalin ang face shield requirement laban sa COVID-19 lalo na't Pilipinas lang ang nag-oobliga nito sa buong mundo.

Sa ilalim ng DOH Memorandum 2020-0534, sinasabi ang sumusunod bilang paggabay sa paggamit ng face shields.

"[I]ndividuals engaged in strenuous activities/work, fine workmanship, operation of transportation vehicles, and active transport [are exempted from wearing face shields]."

Inilinaw din sa Section II(A)(5) ng DOH-DTI-DOLE-DILG-DOTr-DPWH-PSC-GAB Joint Memorandum Circular (JMC) 2021-0001 na  hindi ito required para sa ilan lalo na't maaaring mailagay daw nito sa peligro ang mga tao depende sa sitwasyon:

"[D]ue to the possible vision impairment face shields bring, bikers and users of other forms of active transport are exempted from the mandatory use of face shields outside of their residences."

"Pero kung pumasok ho kayo sa indoors ho, kailangan may face shields kasi ito'y added protrection na hindi ka maka-transmit o mahawaan kayo," dagdag ni Vega.

Proteksyon ng face shield at face masks

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga pag-aaral nang nagpapatunay hinggil sa parehong paggamit ng face shields at face masks laban sa COVID-19.

"[Kung] magsusuot ka lang ng mask, bibigyan ka lang niyan ng 67% protection. Magsuot ka lang ng face shield, bibigyan ka lang niyan ng konting porsyento na proteksyon," sambit pa ni Vergeire.

"Kapag ginamit niyo po 'yung mask at tsaka 'yung face shield, it gives you 93% protection. Kapag kayo po ay naka-mask with physical distancing, it gives you 94% protection. Kapag kayo ay naka-mask, naka-face shield at meron kayong distancing, it gives you 99% protection."

Sa huling tala ng DOH nitong Martes, umabot na sa 1,327,431 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 22,963 na ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH FACE MASK FACE SHIELD NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with