_ngayon
^

Bansa

Siklista? 'No need' magsuot ng face shield lalo na't delikado — DOH

Philstar.com
Siklista? 'No need' magsuot ng face shield lalo na't delikado â DOH
Nagbibisikleta ang office worker na ito habang suot ang face shield sa Maynila noong ika-20 ng Mayo, 2020. Nauwi sa pagbibisikleta ang mga tao dahil ipinagbabawal pa rin ang lahat ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Muling idiniin ng Department of Health na hindi kailangang magsuot ng face shields ng mga nagbibisikleta habang bumabiyahe sa kalsada.

Inaaresto kasi ang ilang nagbibisiklita at nasa active transport matapos hindi magsuot ng mag-face shield — gaya na lang ng doktor na nag-viral kamakailan sa social media.

"With increasing reports of cyclists and other active transport users being arrested for not wearing face shields, the [DOH] reiterates that active transport users are NOT required to use face shields due to its potential safety risks when used during active transport," ayon sa kagawaran, Huwebes.

Sa kabila nito, dapat pa rin naman daw sumunod ang mga siklista sa sumusunod habang nakasakay sa kanilang sasakyan:

  • paggamit ng face masks
  • pagsunod sa physical distancing, respiratory hygiene practices
  • pagsunod sa ibang appropriate health interventions
  • paggamit ng face shield bago at matapos magbisikleta, sumakay ng active transport

Disyembre 2020 nang sabihin ng Palasyo na bawal lumabas ng bahay nang walang face shield sa ibabaw ng face mask, batay na rin sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution 88.

Memorandum, circular pagdating sa face shields

Aniya, ibinatay ang kanilang statement sa DOH Memorandum 2020-0534 na gumagabay sa paggamit ng face shields para labanan ang COVID-19:

"[I]ndividuals engaged in strenuous activities/work, fine workmanship, operation of transportation vehicles, and active transport [are exempted from wearing face shields]."

Inilinaw din daw sa Section II(A)(5) ng DOH-DTI-DOLE-DILG-DOTr-DPWH-PSC-GAB Joint Memorandum Circular (JMC) 2021-0001 na  hindi ito required para sa ilan lalo na't maaaring mailagay daw nito sa peligro ang mga tao depende sa sitwasyon:

"[D]ue to the possible vision impairment face shields bring, bikers and users of other forms of active transport are exempted from the mandatory use of face shields outside of their residences."

Una nang ibinabala ng ilang grupo gaya ng Move as One transport coalition ang pamimilit sa mga siklista na magsuot ng face shields habang bumabiyahe, lalo na't mahihirapan huminga ang mga nabanggit at lumalabo ang paningin tuwing uulan at magfo-fog ang paningin.

Sa kabila nito, dapat pa rin naman daw magsuot ng face shield sa ibabaw ng face shield ang mga nabanggit bago at matapos magbisikleta at magsagawa ng iba pang kahalintulad na aktibidad sa labas ng bahay, alinsunod na rin sa DOH-DOTr-DILG-DPWH Joint Administrative Order 2020-0001.

Doktor na inaresto

Kamakailan lang nang ilinaw ni Philippine National Police spokesprson Porlice Brig. Gen. Ildebrandi Usana na inaresto ang isang doktor sa Cainta dahil sa "unjust vexation" at "civil disobedience."

Una nang naibalita na sinita siya ng kapulisan matapos hindi magsuot ng face shield habang nagbibisikleta papunta sa trabaho. Iprinotesta raw ng manggagawang pangkalusugan ang pagsita sa kanya.

Bagama't pormal nang na-charge, ini-release din ang doktor, ani Usana. — James Relativo

BICYCLE DEPARTMENT OF HEALTH FACE MASK FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with