_ngayon
^

PSN Showbiz

DOH: TV hosts na face shield lang suot 'mababa COVID-19 protection,' mag-mask din

James Relativo - Philstar.com
DOH: TV hosts na face shield lang suot 'mababa COVID-19 protection,' mag-mask din
Kuha at mga videograb mula sa episodes ng "It's Showtime," "Eat Bulaga" at "Lunch Out Loud" ngayong araw, ika-25 ng Nobyembre, 2020
Mula sa Facebook at Youtube channels ng "It's Showtime," "Eat Bulaga" at "Lunch Out Loud"

MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ng Department of Health ang peligro ng pagfe-face shield na walang face mask tuwing makikisalamuha sa maraming tao — bagay na maglalapit daw sa isang tao lalo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang tugon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Miyerkules, matapos matanong tungkol sa mga television show hosts na kapansin-pansing face shield lang ang suot sa mukha araw-araw nang walang maskara kahit pandemya.

"Ang pinakaimportante mo na personal protective equipment would be your mask, because it really covers your nose and your mouth kung saan tayo pwedeng mahawa nung virus na 'yan," ani Vergeire sa mga reporters.

"Kaya po siya tinawag na medical mask, ginawa siya specific to that purpose that it can filter out these organisms that you may be able to get when you are inside a healthcare setting."

Bagama't natatakpan ng face shield ang mata, ilong at bibig, bukas sa hangin ang ilalim ng baba at mga tagiliran nito, bagay na pwede pa ring daanan ng droplets na nagtra-transmit ng virus.

May physical distancing man, panay naka-face shield lang sa mukha ang mga TV show hosts ng "It's Showtime" (ABS-CBN), "Eat Bulaga" (GMA-7) at "Lunch Out Loud" (TV5) ngayong araw.

"So for those that are just wearing face shield even though there is physical distancing, especially if you are in an area that's not well-ventilated, the probability of you contracting [COVID-19] compared to those who are... wearing masks and face shields is much higher," sabi ni Vergeire.

Kombinasyon ng proteksyon

Kung DOH ang tatanungin, meron na raw aniya mga scientific studies na nagpapatunay kung gaano mapapataas ng sabay-sabay na pagsusuot ng dalawa ang proteksyon laban sa nakamamatay na pathogen.

Nagpapakita raw kasi ito ng "additive" effect ng mga nasabing pananggalang sa virus.

"[Kung] magsusuot ka lang ng mask, bibigyan ka lang niyan ng 67% protection. Magsuot ka lang ng face shield, bibigyan ka lang niyan ng konting porsyento na proteksyon," sambit pa ni Vergeire.

"Kapag ginamit niyo po 'yung mask at tsaka 'yung face shield, it gives you 93% protection. Kapag kayo po ay naka-mask with physical distancing, it gives you 94% protection. Kapag kayo ay naka-mask, naka-face shield at meron kayong distancing, it gives you 99% protection."

"Kompletuhin natin."

DEPARTMENT OF HEALTH HOST IT'S SHOWTIME NOVEL CORONAVIRUS TELEVISION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with