^

Bansa

Face shields pwedeng tanggalin sa labas - DOH Exec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Face shields pwedeng tanggalin sa labas - DOH Exec
Sinabi ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na hin­di na kinakailangan pa ng mga nagtatrabaho o naglalakad sa open-air o outdoor settings na magsuot ng face shields.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pabor si Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na tanggalin na ang face shield lalo na kapag nasa labas ng bahay o establisimi-yento gaya ng mall habang kailangang suot ito kapag ‘indoors’.

Sinabi ni Vega na hin­di na kinakailangan pa ng mga nagtatrabaho o naglalakad sa open-air o outdoor settings na magsuot ng face shields.

Mababa naman uma­­no ang panganib ng ha­­­wahan kapag nasa ‘outdoors’ kaya kung naglalakad lamang sa kalye o sa labas naman ang trabaho ay maaari na itong tanggalin.

“Kapag nasa outside naman, ang risk of transmission is very low. ‘Pag naglalakad ka sa kalye, baka maka-affect ‘yung moist nito so puwede ninyo pong tanggalin ‘yan.”

Pero kailangang isuot naman ito kapag nasa ‘indoors’ gaya ng malls o kapag may face-to-face na interaksyon sa loob ng isang establisimyento bilang proteksyon na huwag mahawahan ng COVID-19.

Una nang iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno at ng ilang senador na huwag nang pagsuotin pa ng face shields ang mga mamamayan, sa ibabaw ng face masks, dahil ang Pilipinas na lamang aniya ang tanging gumagamit nito laban sa COVID-19.

Sinabi pa ni Isko na dagdag gastos lamang  ang face shield at dagdag basura.

Hindi naman ito pinagbigyan ng DOH dahil ito anila ay karagdagang proteksiyon sa mga mamamayan, alinsunod na rin sa mga pag-aaral.

Sa mga unang araw ng pagpapatupad nito, inireklamo rin ng mga bikers group ang ginagawang panghuhuli sa kanila dahil sa hindi nakasuot ng face shield na kinalaunan ay itinigil na rin ng mga law enforcement agencies.

vuukle comment

LEOPOLDO VEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with