^

Bansa

25% income tax discount sa medical frontliners, oks sa House

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng tax relief ang mga medical frontliners na sumasabak sa COVID-19 pandemic.

Sa botong 235 pabor at wala pagtutol ay naaprubahan ang House Bill (HB) 8259 o Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act na iniakda ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda.

Nilalayon ng panukala na kilalanin at pasalamatan ng gobyerno ang mga medical frontliners sa kanilang natatanging serbisyo ngayong pandemic.

Bibigyan ng 25% discount sa kanilang income tax ang mga medical professionals na nagbibigay serbisyo ngayong may pandemya.

Bukod sa mga doktor at nurse ay saklaw rin sa nasabing benepisyo ang iba pang medical frontliners tulad ng mga administrative employees, support personnel at staff of medical institutions anuman ang kanilang employment status.

Hindi naman kasama sa panukalang tax relief ang mga kinikita ng mga medical frontliner na mula sa mga negosyo, investment at iba pang uri ng passive income na walang kinalaman sa pagsisilbi, gamutan, pangangalaga sa mga pasyenteng may COVID 19.

Kaugnay nito, nakalusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang HB 8461 na naggagawad kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendehin ang nakatakdang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro sa PhilHealth sa tuwing mayroong national health emergencies sa bansa.

vuukle comment

INCOME TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with