^

Bansa

Pagdating sa motor maintenance: ‘Wag padadala sa maling akala

Gilbert Chao - Pilipino Star Ngayon
Pagdating sa motor maintenance: �Wag padadala sa maling akala
Isang benefit ng casa service ay ang kasiguraduhan sa availability at authenticity ng mga spare parts na gagamitin.
Photo Release

MANILA, Philippines — Madalas pinaniniwalaan ng marami na mahal ang casa maintenance service. Kung sa kotse siguro – malamang nga. Pero sa motorsiklo? Iba ang istorya.

Bilang isang leading, multi-brand motorcycle dealer sa bansa, ang Motortrade ay naglunsad ng kanilang “Dito Ka Sa Sigurado” campaign na layong ibahagi sa publiko ang mga tamang inpormasyon tungkol sa mga benefits ng casa service.  

Una, sa halagang P299 lang ay pwede ka nang mag-avail ng Motortrade casa service kung saan packaged na ang mga serbisyo na gagawin sa iyong motor. Included na rito ang tune-up, change-oil, adjustment at lubrication ng drive chain, inspection at tightening ng mga turnilyo, inspection ng free play ng suspension, at iba pa. Ang presyong ito ay kapareho o mas mura pa sa service fee ng ibang shops. Kadalasan pa, hindi packaged ang service sa iba kaya may separate fees ang bawat trabaho na ipagagawa mo.

Isa pang benefit ng casa service ay ang kasiguraduhan sa availability at authenticity ng mga spare parts na gagamitin. Maraming fake na motorcycle parts na nagkalat sa market ngayon. Maliban sa illegal ang mga ito ay tagilid din ang quality. Nakasalalay ang ating safety sa pagmomotor sa paggamit ng mga original na piyesa na recommended ng mga manufacturers.

Huwag din natin kalilimutan ang importansya ng pagkakaroon ng qualified service technicians at well-equipped facilities. Karamihan sa ating mga motor ngayon ay fuel-injected na at may mga high-tech na components. Hindi pwede ang tantyahan sa maintance ng mga ito kaya naman ang mga Motortrade service centers ay may computerized diagnostic tools na ino-operate ng mga technicians na regularly updated ng mga manufacturers. Para sa mga specialized big bike service naman ay nandiyan ang Honda Flagship Shop Edsa, Kawasaki Alabang at Quezon Avenue, at KTM Abad Santos.   

Para sa ating safety at sa mahabang service life ng ating mga motor, huwag basta maniniwala sa sabi-sabi. Doon tayo sa master sa serbisyong casa. Doon na tayo sa sigurado.

 

Kung nais makapag-set ng service appointment, mag log-on lamang sa www.motortrade.com.ph/service/.

vuukle comment

MOTORTRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with