PANOORIN: Cale88 tumatanggap ng pera galing Chinese companies sabi ni Sen. Hontiveros
MANILA, Philippines — Sinabi ni Senator-judge Risa Hontiveros sa kanyang interjection sa impeachment trial ni Vice President Sara Dutertena, batay sa impormasyong nakalap ng kanyang tanggapan, ilang Chinese companies na nag-remit ng pondo sa Cale88 ay Chinese state-owned enterprises.
Ang Cale88 ay kumpanyang iniuugnay kay lawyer Manases “Mans” Carpio, asawa ni Duterte.
Lumabas ang usapin habang sinusuri ng impeachment court ang mga financial transaction na may kaugnayan kay Carpio at sa mga kumpanyang iniuugnay sa kanya.
Nilinaw sa pahayag ni Hontiveros na ang impormasyon ay batay sa nakalap ng kanyang tanggapan, habang patuloy pang sinusuri sa paglilitis ang mga transaksyon at kaugnayan ng mga ito.
- Latest




















