^

Bansa

Backriding pwede sa mga essential workers

Doris Franche, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Backriding pwede sa mga essential workers
“Isa pong update: Bagama’t bawal pa rin po ang back riding, mayroon po tayong isang exception – kapag ang pasahero po ay APOR or Authorized Person Outside of Residence at ang biyahe ay work-related, pupuwede pong mag-angkas,” Presidential spokesperson Harry ani Roque.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang backriding o pag-ang­kas sa motorsiklo ng mga authorized person outside of residence o APOR sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, dapat ay work-related o pupunta sa trabaho ang angkas.

“Isa pong update: Bagama’t bawal pa rin po ang back riding, mayroon po tayong isang exception – kapag ang pasahero po ay APOR or Authorized Person Outside of Residence at ang biyahe ay work-related, pupuwede pong mag-angkas,” ani Roque.

Nilinaw din ni Roque na hindi kinakailangang mag-asawa ang magka-angkas basta’t may kinalaman sa trabaho ang biyahe sa motorsiklo at sila ay kabilang sa mga pinapayagang lumabas ng tahanan.

“Pero uulitin ko po, ang back ride ay para lamang sa APORs na papunta po sa biyahe na work-related at hindi naman po niri-require na mag-asawa kapag APOR ang sakay ‘no. Kahit na ang driver ay hindi related sa pasahero, basta APOR po ang sakay pupuwede,” ani Roque.

Idinagdag ni Roque na dapat ay pribado ang motorsiklo at hindi ginagamit bilang motorcycle taxi.

vuukle comment

BACKRIDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with