^

Bansa

Lotto, Keno outlets nanganganib magsara

Pilipino Star Ngayon
Lotto, Keno outlets nanganganib magsara
Ang kabuuang ahente ng Lotto ay 12,312, samantalang ang mga Keno agents nationwide ay nasa 3,039 na nasa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office
STAR/Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Nanganganib na magsara ang ‘majority’ sa mga Lotto at Keno outlet agents dahil na rin sa istriktong pagpapatupad sa ‘community quarantine protocols’ bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang kabuuang ahente ng Lotto ay 12,312, samantalang ang mga Keno agents nationwide ay nasa 3,039 na nasa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang pahayag, sinabi ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma na nakahanda silang tulungan ang kanilang mga ‘outlet agents.’ Aniya, ang kanilang tanggapan ay nakahandang tumulong hindi lamang sa mga mahihirap nating kababayan, kundi pati na rin sa mga ahente ng kanilang mga lotto outlets.

Katunayan, may P6.73 million na medical assistance na ang nabigyan ng tulong mula sa 900 lehitimong ‘indigent beneficiaries’ sa buong Pilipinas. Tinawag ang programang ito na Medical Access Program (MAP) na dating Individual Medical Assistance Program (IMAP) bilang tulong sa ‘hospital confinement,’ chemotherapy,’ ‘dialysis,’  ‘post-transplant medicines’ at tulong pa sa mga kababayang may iba’t ibang karamdaman.

Para sa mga Lotto at Keno Agents, nangako ang PCSO na maglalabas ng P18.7 million bilang tulong pinansiyal. Gayunman, mula sa lagpas sa 12,000 bilang na Lotto at Keno agents, kabuang 6,241 individual Lotto at Keno outlet owners lang ang mabibigyan ng tulong mula sa naka-allot na pondo na P18.7 million.

Paghahatian umano nila ito bilang P3,000 bawat isa na kapos para sa lahat. “Kami ang ‘backbone’ ng PCSO para magkaroon ng revenue. Kulang ang P3,000. Kasi alangan namang bigyan namin ang mga tao namin ng P1,000 kada isa, eh halos limang buwan nang gutom sila?” sabi ng isang Lotto outlet owner mula sa Quezon City.

Nananawagan ito na kung patuloy na pagdadamutan ng ayuda malamang ay magsara na lang sila nang tuluyan.

vuukle comment

KENO

LOTTO

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with