^

Bansa

'I love you 3000!'

Gilbert Chao - Pilipino Star Ngayon
'I love you 3000!'
Dahil sadyang mahirap sukatin ang pagmamahal sa ating mga ama, madalas ay ipinapahayag na lang natin ito sa pamamagitan ng pagre-regalo sa kanila tuwing Father’s Day.
Photo Release

MANILA, Philippines — Kung isa kang fan ng Marvel Cinematic Universe (MCU) ay siguradong hindi mo makakalimutan ang isang madamdaming eksena sa Avengers: Endgame kung saan sinabihan si Tony Stark (Iron Man) ng kanyang anak na si Morgan ng “I love you 3000!”

Marami sa atin ang makapagsasabing higit pa sa 3000 ang ating pagmamahal sa mga tinaguriang “haligi ng tahanan.” Pero dahil sadyang mahirap sukatin ang pagmamahal sa ating mga ama, madalas ay ipinapahayag na lang natin ito sa pamamagitan ng pagre-regalo sa kanila tuwing Father’s Day. Relo, damit, o ‘di kaya ay sneakers, malamang ay nabilhan mo na siya ng mga ito sa mga nakalipas na taon. Kung ganoon, bakit hindi magregalo ng motor?

Sa ngayon, maraming bagong modelo sa merkado na ang monthly installment ay umaabot lamang sa P3000. Kaya nga naman ‘I love you 3000.’

Dahil diyan, narito ang ilang motorcycle gift suggestions na kasing-mura niyan ang monthly installment para mapangiti si tatay ngayong Father’s Day.

1. Yamaha Sight (P3,062/month)

Ito ang pinaka-fuel efficient na motor sa local market ngayon. Sa ginawang fuel economy test ng Yamaha ay naka-record ito ng 133 kilometers per liter. Convenient rin ito for commuting dahil may malaking compartment sa ilalim ng upuan at higit na safe dahil naka-disc brake na sa harap.

2. Suzuki Skydrive Sport (P3,443/month)

Magaan, maliksi at automatic—perfect gamitin sa kabila ng traffic. Marami ring fashionable na mga kulay ang pagpipilian. Bagets na bagets ang dating ni tatay kapag ito ang sasakyan nya araw-araw.

3. Kawasaki Bajaj Rouser 135LS (P3,218/month)

Standard motorcycle na sporty ang dating. Manual ang transmission at malakas ang performance para sa kumpletong motorcycle riding experience.

4. Honda XRM 125 DSX (P3,405/month)

Pambiyaheng harabas, may kalye man o wala. User-friendly na off-road capable motorcycle. Pwedeng pang-service sa weekdays at pang-adventure rides naman kung weekend.

5. KYMCO Super 8 150 Euro 3 (P3,770/month)

Ang scooter ng mga “big daddy.” Malakas sa road presence at malapad ang mga tubeless na gulong para safe at stable anuman ang road conditions.

 

Para sa mga iba pang options at financing schemes, bumisita lang sa www.motortrade.com.ph.

vuukle comment

FATHER'S DAY

MOTORTRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with