^

Bansa

2 Chinese kidnaper todas sa shootout!

Doris Franche, Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese national na miyembro umano ng kidnap-for-ransom group (KFRG) ang nasawi habang sugatan ang isang pulis sa isinagawang operasyon na nauwi sa shootout sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek habang dinala naman sa ospital ang pulis na si Capt. Diaz sanhi ng tinamong tama ng bala sa paa.  

Ayon kay P/BGen. Jonnel Estomo, commander ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), dakong-9:00 ng umaga nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng PNP-AKG Central Luzon sa pamu­muno ni Lt. Col Villaflor Bannawagan at CIDG-Angeles sa Forest Park, Angeles City.

Ang operasyon ay isinagawa bilang follow-up sa kasong kidnapping ng tatlong Chinese na na-rescue sa Angeles noong Hunyo 1 at pagkakaaresto ng dalawa pang Chinese kidnappers noong Hunyo 6, 2020 kaya dito na­ituro ang pinagtataguan ng dalawang Chinese suspect sa Angeles City. 

Namataan ng mga operatiba ang isang Hyundai Starex na diumano’y ginamit ng mga suspek sa pagdukot sa mga kapwa Chinese. Lalapitan sana ng mga operatiba ang sasakyan para sa beripikasyon nang bigla silang paputukan ng dalawang suspek at tinamaan sa kanang paa si Diaz. Gumanti ng putok ang mga ope­ratiba na ikinasawi noon din ng mga suspek.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

KIDNAP FOR RANSOM GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with