^

Bansa

Arroceros sa Maynila, idineklarang 'permanent forest' park ni Mayor Isko

Philstar.com
Arroceros sa Maynila, idineklarang 'permanent forest' park ni Mayor Isko
Itinuturing ang nasabing lugar bilang "huling kagubatan" sa kabisera ng Pilipinas, na kadalasang iniuugnay sa gulo at polusyon.
File

MANILA, Philippines — Idineklara na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Arroceros Park bilang permanenteng forest park.

Itinuturing ang nasabing lugar bilang "huling kagubatan" sa kabisera ng Pilipinas, na kadalasang iniuugnay sa gulo at polusyon.

Ika-27 ng Pebrero nang lagdaan ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang ordinansang nagdedeklara sa kaprasong lupa sa halabaan ng Antonio Villegas St. sa Ermita bilang "permanent forest park."

Ang 2.2-ektaryang parke, na nagsisilbing kanlungan ng 10 species ng ibon, ay tinawag ding "last lung" ng Maynila.

Makikita rin doon ang 61 uri ng puno at 8,000 halamang ornamental.

Wika ni Domagoso, lalaanan nila ng P1 milyon para mapanatili ang parke.

Magtatalaga din ng mga "peace officers" ang local government unit, maliban sa pagbuo ng Arroceros Forest Park Governing Committee, na lilikha ng mga plano para imintena ang operasyon ng park.

Ipinagbabawal ng Ordinance 8607 ang pagpuputol ng puno at pagtatapon ng basura sa nasabing lugar. Hindi rin pinahihintulutan ang anumang klase ng paghuhukay.

Haharap sa multang P2,500 ang mga lalabag sa unang pagkakataon, habang pagbabayarin naman ng P3,000 ang mga lalabag sa ikalawang pagkakataon.

Tumataginting na P5,000 multa naman, o pagkakakulong na hindi lalampas ng isang taon, ang nagihintay para sa mga third time offenders, depende sa desisyon ng korte. 

Setyembre taong 2018 nang maghain ng resolusyon para sa presebasyon ng Arroceros Forest Park ang Manila City Council, taliwas sa mga kumakalat noon sa social media na tatayuan ito ng mall o gymnasium.

Dating ibinenta sa gobyerno ng Maynila ang lugar sa halagang P65 milyon, na gagamitin lang daw dapat para sa "edukasyon, palakasan at recreation." — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

vuukle comment

ARROCEROS PARK

FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with