^

Bansa

Pangolin ‘nagkalat’ ng nCoV - scientists

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na nagmula sa makaliskis na Balintong (Pangolin) ang kinatatakutang 2019 novel coronavirus na pumatay ng 630 katao at nakahawa sa mahigit 31,000 pa sa buong mundo.

Ang Balintong na isang endangered species ay kinalolokohang “exotic food” sa Asya partikular ng mga Tsino na karamihang tinamaan ng nasabing virus.

Ayon sa mga mananaliksik ng South China Agricultural University, bagamat may posibilidad na nagmula sa paniki ang nCoV, lumabas na 99 porsiyento na mas hawig sa mga nakuhang samples ng virus ang natagpuan mula sa Balintong kesa sa 1,000 iba pang uri ng hayop na siniyasat ng mga ito.

Nagmula ang nCoV sa isang palengke ng mga hayop na kinakain bilang mga exotic foods sa siyudad ng Wuhan, Hubei.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN), umabot na sa halos isang milyong Balintong ang ilegal na inilalabas mula Asya at Africa upang isilbi bilang exotic foods na ang mga kaliskis ay pinaniniwalaang lunas sa ilang sakit subalit wala naman itong kumpirmasyon sa mga dalubhasa sa medisina.

vuukle comment

SCIENTISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with