^

Bansa

Pinoy crew sa Japan, positibo sa nCoV

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinoy crew sa Japan, positibo sa nCoV
Sa inilabas na impormasyon, isang Amerikano, dalawang Australian, tatlong Japanese, tatlo mula sa Hong Kong habang isang Pinoy crew member ang positibo sa naturang sakit.
Philstar.com file

MANILA, Philippines — Isang Pinoy seaman ang nag-positibo sa novel coronavirus habang sakay ng Japanese cruise ship, ayon sa embahada ng Pilipinas.

Sa inilabas na impormasyon, isang Amerikano, dalawang Australian, tatlong Japanese, tatlo mula sa Hong Kong habang isang Pinoy crew member ang positibo sa naturang sakit.

Kasalukuyang nakadaong ang Diamond Princess cruise ship sa Yokohama port sa Japan at sumasai­lalim sa 14 days quarantine.

Kinumpirma naman ng Japan health ministry na 10 sa mga naka-quarantine ay may coronavirus na kaagad namang dinala sa ospital para imonitor.

Batay sa impormasyon, isang dating pasahero ng cruise ship ang nakumpirma na may sakit ngunit stable na ang kondisyon nito sa Hong Kong.

May lulan na 2,666 pa­sahero at 1,045 crew members ang nasabing cruise ship.

DIAMOND PRINCESS CRUISE SHIP

NCOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with