^

Bansa

Biktima ng paputok nasa 46 na – DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Biktima ng paputok nasa 46 na � DOH
Sa tala ng Department of Health, nasa 46 na ang fireworks-related injuries. Naitala ang nasabing bilang mula December 21 hanggang 29.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Patuloy sa pag-ak­yat ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.

Sa tala ng Department of Health, nasa 46 na ang fireworks-related injuries. Naitala ang nasabing bilang mula December 21 hanggang 29.

Ayon sa DOH, mas mababa ito ng 21 por­syento kumpara sa ka­parehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi rin ng kagawaran na wala pang napapaulat na kaso ng stray bullet injuries o pagkalunok ng paputok.

Ilan sa kaso ng mga sugatan ay bunsod ng ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, piccolo at 5-star.

Batay sa datos, nai­tala ang pinakamara­ming injuries sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Bicol region.

Aminado naman si DOH Sec. Francisco Duque III na hindi pa rin siya lubos na masaya kahit bumaba ang bilang ng firecracker related injuries, dahil target sana nilang walang masaktan, lalo’t may mga alternatibong paingay naman na hindi mapanganib.

Kabilang na rito ang mga lumang gamit na metal, torotot, pito at iba pang maaaring makalikha ng tunog sa pagsalubong sa bagong taon.

vuukle comment

DOH

FRANCISCO DUQUE III

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with