^

Bansa

2K na OFWs pinasaya sa Palayan City

Pilipino Star Ngayon
2K na OFWs pinasaya sa Palayan City
Mahigit sa 2,000 OFWs at mga kaanak nila ang dumalo sa pa-christmas party ni Mayor Rianne at Bong Cuevas ng Palayan City sa Nueva Ecija.

MANILA, Philippines — Walang umuwing luhaan sa 2,000 overseas Filipino workers na nakilahok sa kauna-unahang Pamaskong Handog ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas.

Pinaka-maswerte sa lahat ay si Rommel Diaz, asawa ng OFW na si Lourdes Diaz, matapos manalo ng grand prize sa raffle na isang brand new na kotseng Ford EcoSport na personal na handog ni Bong Cuevas, asawa ng mayora.

Bukod kay Diaz, 10 OFW din ang nagwagi ng Aling Puring’s Sari Sari Store Package ng Puregold na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa. Lima ang nanalo ng computer sets na may kasamang printer, web camera at MS Office license at 20 ang nagwagi ng brand new cellphones na may kasamang sim cards.

Ang iba ay nanalo ng stand fan; rice cooker; oven toaster; gift certificates at Christmas Ham.

Ayon kay Mayor Cuevas, nais niyang pasalamatan ang mga OFW ng Nueva Ecija na malaki ang naitulong para sa pag-unlad ng Palayan City at hangaring ng maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Bukod sa masayang programa para sa mga OFW, meron ding job fair para sa local at overseas employment sa mga OFW at kanilang pamilya.

Inanunsyo rin ni Mayor Cuevas, na pinarangalan ang lungsod ng Palayan bilang “The Best One-stop Service Center for OFW” sa buong Pilipinas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). 

Ang One-Stop Service Center ng Palayan ay malaking tulong sa mga OFW sa Nueva Ecija dahil hindi na nila kailangang lumuwas ng Maynila para mag-ayos ng kanilang mga papeles papuntang abroad.

vuukle comment

OFW

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

RIANNE CUEVAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with