^

Bansa

Power rate hikes bantayan - solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa publiko na maging ‘vigilant’ sa gagawing  competitive selection process (CSPs) upang mabantayan ang ‘power rate hikes’ na maaaring pasanin ng mga konsyumer sa loob ng 20 taon.

Kasabay nito, hiniling ng Bayan Muna sa pamunuan sa Department of Energy (DOE) na mamagitan at isantabi ang ‘one sided bidding terms’ at tiyakin na maraming makasasaling ‘bidders’ na makapag-aalok ng mababang halaga o abot-kayang halaga ng enerhiya.

Aniya, nagsagawa ng tatlong bidding o CSPs at ang ipinataw na ‘terms’ ay kawalan sa ‘bidders’.

Idiniin ni Colmenares na, ang problema sa ikatlong ‘bid’ para sa 1,200 megawatts twenty year contract, ang  Atimonan I lamang ang nakapagsumite dahil sa mga napaka-imposibleng mga ipinataw na kondisyon sa ibang ‘bidders.’

Kung isa lang anya ang bidder, wala nang saysay ang bidding na naglalayong makahanap ng mas mababang presyong suplay.

Iginiit ni Colmenares na dapat amyendahan ang bidding terms para matiyak na may patas na pagkakataon ang lahat ng suppliers para makapag-bid ng posibleng mas mababang presyo.

 

POWER RATE HIKES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with