^

Bansa

Palasyo hugas kamay sa sedition charges vs Robredo, oposisyon

Philstar.com
Palasyo hugas kamay sa sedition charges vs Robredo, oposisyon
"We have nothing to do with this case. Not at all," sabi ni presidential spokesperson Panelo sa panayam ng ANC.
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Wala raw kinalaman ang Malacañang sa kasong sedisyon na inihain laban kina Bise Presidente Leni Robredo, iba pang personahe ng oposisyon at kaparian na iniuugnay sa pagkakalat ng "Ang Totoong Narcolist" videos, ayon sa tagapagsalita ng pangulo.

"We have nothing to do with this case. Not at all," sabi ni presidential spokesperson Panelo sa panayam ng ANC.

(Wala kaming kinalaman sa kasong ito. Wala talaga.)

Ayon pa kay Panelo, na dati nang nagdiin sa ilang opposition leaders sa pagnanais daw nilang siraan at patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte, hindi porke abogado ni Peter Advincula ang administration supporter na si Larry Gadon ay may kinalaman na sila rito.

"Larry Gadon has nothing to do with us. Larry Gadon is a lawyer who accepts clients," dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo.

(Walang kinalaman si Larry Gadon sa amin. Abogado lang siya na tumatanggap ng mga kliyente.)

Si Advincula, na una nang nagpakilala bilang "Bikoy" sa Narcolist videos, ay nakatala bilang parehong saksi at akusado sa kaso.

Idiniin kasi noon ni Advincula ang mga kamag-anak ni Duterte, pati ang kanyang mga kaalyado sa kalakalan ng droga.

Gayunpaman, bumaliktad siya isang araw at binawi ang kanyang mga pahayag.

Ginamit lang daw si Advincula, partikular nina dating Sen. Antonio Trillanes at dating Magdalo Rep. Gary Alejano para magpakalat ng kasinungalingan, ayon sa complaint na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Mga inirereklamo

Maliban kay Robredo at Advincula, kasama sa 35 respondents ng reklamong inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, atbp. sina Sen. Leila de Lima, Sen. Risa Hontiveros, at Trillanes.

Respondent din sa kaso ang pito sa "Otso Diretso" opposition candidates noong 2019 senatorial elections:

  • Dating Sen. Bam Aquino, 
  • Dating Magdalo Rep. Gary Alejano
  • Dating Quezon Rep. Erin Tañada III 
  • Human rights lawyer Chel Diokno
  • Dating Solicitor General Florin Hilbay
  • Samira Gutoc, dating mambabatas sa Autonomous Region in Muslim Mindanao

Tanging si dating Sen. Mar Roxas lamang ang Otso Diretso candidate na hindi isinama sa kaso.

Ilang religious figures din ang isinama sa listahan tulad nina:

  • CBCP vice president Caloccan Bishop Pablo Virgilio David
  • Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas
  • Cubao Bishop Honesto Ongtioco
  • Retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr.
  • DLSU president Bro. Armin Luistro
  • ADMU professor at Heswitang pari na si Albert Alejo
  • "Running priest" Fr. Robert Reyes

Hindi pa riyan natatapos ang mahabang linya ng mga akusado.

Kasama rin diyan ang ilang abogado tulad nina:

  • IBP president Egon Cayosa
  • Dating IBP president Abdiel Dan Elijah Fajardo
  • Dating tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te

Kasama rin sa respondents si dating Senior Superintendent Eduardo Acierto.

'Kalokohan, gawa-gawa'

Pinabulaanan naman ng mga akusado ang ibinabatong mga paratang sa kanila.

Sa isang pahayag, tinawag na "kwentong kutsero" ni Barry Gutierrez, tagapagsalit ni Robredo, ang batayan ng kaso.

"[I]f this is purely based on the outrageous statement previously given by Mr Advincula, we can confidently say this is completely baseless and nothing more than plain and simple harassment," dagdag ni Gutierrez.

(Kung batay lang ito sa mga pinagsasabi noon ni G. Advincula, kaya naming sabihin na wala itong basehan at panggigipit lang.)

Handa naman daw si Trillanes na harapin ang mga kaso dahil wala raw hawak na ebidensya ang mga pulis.

Ayon naman sa Liberal Party, na partidong kinabibilangan ng marami sa mga akusado, ginagawa na lang daw ito ng mga "kalaban ng demokrasya" dahil hadlang si Robredo sa war on drugs, panghihimasok ng Tsina sa Pilipinas, atbp.

Tinutulan din ng Kaliwa, na grupong kritiko ng mga mayor na pigura ng LP, ang mga kaso.

"It is certainly harassment. It aims to sow fear among government critics," sabi ni Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan.

(Harassment talaga 'yan. Nais niyan na magtanim ng takot sa dibdib ng mga kritiko ng pamahalaan.)

Dagdag pa ni Reyes, inilalayo lang nito ang taumbayan sa mga tunay na isyung dapat pag-usapan sa State of the Nation Address ng pangulo, lalo na't inihain ito apat na araw bago ang SONA.

"Those facing trumped-up charges are thus invited to the United People's SONA where there is solidarity among forces and groups standing up against tyranny," kanyang panapos.

(Iniimbitahan namin ang lahat ng kinasuhan na sumama sa United People's SONA kung saan magkakaisa ang iba't ibang pwersa at grupo laban sa tiraniya.) — James Relativo

vuukle comment

LENI ROBREDO

OPPOSITION

OSTO DIRETSO

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

SEDITION

TOTOONG NARCOLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with