^

Bansa

Garin, 18 pa pinalilitis na sa Dengvaxia

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Garin, 18 pa pinalilitis na sa Dengvaxia
Ayon sa DOH, si Garin at iba pang akusado ay nagkaroon ng “inexcusable lack of precaution and foresight” nang bilhin ang bakuna at ginamit ito sa school-based dengue mass immunization program ng pamahalaan.

MANILA, Philippines — May nakitang ‘probable cause’ ang Department of Justice (DOJ) para isulong sa korte ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban kina dating Department of Health (DOH) Sec. Janet Garin at ?sa 18 katao pa kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.

Sa 127 pahinang resolusyon na may petsang Pebrero 11, 2019, sinabi ng DOJ panel of prosecutors na nag-imbestiga sa kaso na mayroong sapat na basehan para sampa­han ng kaso si Garin at siyam na iba pang opisyal ng Health department, dalawa mula sa Food and Drugs Administration (FDA), dalawa mula sa Research Institute for Tropical Medicince (RITM) at anim mula sa Sanofi Pasteur kaugnay sa pagkamatay ng walong nabakunahan.

Ayon sa DOH, si Garin at iba pang akusado ay nagkaroon ng “inexcusable lack of precaution and foresight” nang bilhin ang bakuna at ginamit ito sa school-based dengue mass immunization program ng pamahalaan.

Dagdag ng DOJ pa­nel, nakitaan din ng sapat na basehan na nagkaroon ng iregularidad sa pagbili ng P3.5 billion na halaga ng Dengvaxia vaccine na batayan sa kasong reckless imprudence laban sa mga respondent.

Ang Dengvaxia vaccine ay naiturok sa mahigit 800,000 estud­yante noong Abril 2016, subalit makalipas ang mahigit isang taon ay inihayag ng Sanofi Pasteur na may dalang pa­nganib ang bakuna sa hindi pa tinatamaan ng dengue kaya’t ipinatigil ng DOH ang nasabing programa.

Gayunman, ang reklamo naman laban kina Health Secretary Francisco Duque III, dating DOH OIC Herminigildo Valle at mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation ay ibinasura.

Ang nasabing re­solusyon ay para lamang ?sa 19 mula sa 35 complaints na inihain ng mga magulang ng Dengvaxia recipients.

vuukle comment

DENGVAXIA

JANET GARIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with