^

Bansa

Floating cocaine ibabagsak sa Australia

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Floating cocaine ibabagsak sa Australia
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, na nakikipagkoordinasyon na ang PNP sa kanilang counterpart sa Australia upang madetermina ang ‘signature’ ng nasabing mga cocaine na isasailalim sa DNA laboratory analysis.
facebook

MANILA, Philippines — Galing umano sa isang lumubog na barko na dadalhin sa Australia ang daang kilo ng floating cocaine na narekober sa eastern seaboard ng karagatan ng bansa.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, na nakikipagkoordinasyon na ang PNP sa kanilang counterpart sa Australia upang madetermina ang ‘signature’ ng nasabing mga cocaine na isasailalim sa DNA laboratory analysis.

Ikukumpara ito sa mga cocaine na ginagamit ng mga lulong sa droga sa bansang Australia. 

Sinabi ni Albayalde na nagkainteres ang mga anti-narcotics official sa Australia dahil nakarekober din ang mga ito ng bricks o bloke ng mga cocaine sa Papua  New Guinea sa pagitan ng Hunyo hanggang Setyembre ng nakalipas na taon.

“Ang possibility nito ay for delivery ito sa Australia. Isa iyon, that’s a big possibility. Kasi according to the Australian police, medyo maganda ang market value ng cocaine doon sa lugar nila,” wika ni Albayalde.

Sa rekord ng PNP, halos 200 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P871.654 milyon ang narekober mula sa karagatan ng Siargao at Dinagat Islands sa Caraga Region, Davao Oriental, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur simula nitong Pebrero 10.

Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng napinsala ang container na pinaglalagyan ng mga cocaine matapos na lumubog ang nasabing barko.

“So I don’t think we have a market for those kilos of cocaine which have been so far recovered,” anang PNP Chief na sinabing posib­leng ginamit lamang na transshipment point ang karagatan ng Pilipinas. Ang barko ay galing sa Pacific Ocean.

vuukle comment

FLOATING COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with