^

Bansa

Senado, Kamara, SC, Gabinete ‘good’ sa SWS survey

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senado, Kamara, SC, Gabinete �good� sa SWS survey
Ang survey ay isinagawa sa ikatlong quarter ng taon mula Setyembre 15 hanggang 23. Umabot sa pitong puntos ang itinaas sa rating ng Senado kung saan ang dating +41 porsiyento noong Hunyo ay naging +48 porsiyento.
File Photo

MANILA, Philippines — Tumaas ang public satisfaction rating ng Senado, House of Representatives, Supreme Court, at maging ng Gabinete sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Ang survey ay isinagawa sa ikatlong quarter ng taon mula Setyembre 15 hanggang 23. Umabot sa pitong puntos ang itinaas sa rating ng Senado kung saan ang dating +41 porsiyento noong Hunyo ay naging +48 porsiyento.

Animnaput dalawang porsiyento ng mga respondents ang nagsabing “satisfied” sila sa trabaho ng Senado, samantalang 14 percent ang nagsabing ‘hindi’ at 23 percent ang ‘undecided.’ 

Nasa 11 puntos naman ang itinaas ng Kamara sa +36 porsiyento at 12 puntos sa Korte Suprema sa +31 porsi­yento. Ang Gabinete naman ay tumaas ng 6 na puntos mula sa +25 noong Hunyo ay naging +32 noong Setyembre.

Isinagawa ang “face-to-face” interviews sa 1,500 na adults sa buong bansa. Katulad ng inasahan, nagpasalamat si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa naging pagtaas ng satisfaction rating ng Senado.

Pinasalamatan din nito ang lahat ng senador na nagbibigay umano ng iba’t ibang output na napapakinabangan ng taumbayan.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

SWS SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with