^

Bansa

Sobra-sobrang koleksyon sa pension loan ng PNP retirees, pinalagan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sobra-sobrang koleksyon sa pension  loan ng PNP retirees, pinalagan
Ito’y bukod pa sa mataas na interes na kinokolekta naman ng Multi-Purpose Cooperatives (MPCs) na binabawas sa suweldo ng mga pulis na may utang kung saan ang isyu ay pinaiimbestigahan na ni Pa­ngulong Duterte.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umalma ang isang mala­king grupo ng mga retiradong pulis dahilan sa umano’y pang-aabuso sa sobra-sobrang ko­leksyon ng pension loan na awtomatikong kinakaltas sa kanila ng Savings and Loans Association (SLAIs).

Ito’y bukod pa sa mataas na interes na kinokolekta naman ng Multi-Purpose Cooperatives (MPCs) na binabawas sa suweldo ng mga pulis na may utang kung saan ang isyu ay pinaiimbestigahan na ni Pa­ngulong Duterte.

Ayon sa mga retirees, nais nilang bawiin na ng PNP Memorandum Circular (MC) No. 2016-038 at ang PNP Standard Operating Procedure 002-16 ng Committee on Accreditation ang awtomatikong pagkaltas, gayundin ay suspindihin at buwagin na ang Automatic Pension and Deduction Scheme (APDS). Ang nasabing MCs at mga polisiya ay nagsisilbing basehan sa implementasyon para sa APDS.

Ipinunto ng mga retirees na kahalintulad ang nasabing sistema ng MPCs na nagkakaloob ng pautang sa mga retirado at aktibong pulis sa serbisyo kung saan ay awtomatikong kinakaltasan ng sobra-sobra sa monthly dues base sa komputasyon ng SLAIs.

“ Among the reported abu­ses of these SLAIs include charging excessive interest rates, some of the SLAIs reportedly increased the monthly amortization and number of remaining installments (NRIs) without the knowledge and consent of the borrowers with some having listed as having 870 NRIs on their loans”, giit pa ng mga ito.

Una na ring ipinaabot ng mga retirees  ang kanilang reklamo kay Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang mga retirees kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na pakinggan ang kanilang mga karaingan.

Sinabi naman ni Albayalde na pag-aaralan ng PNP ang kahilingan ng mga retirees na hiniling na isapormal sa pamamagitan ng liham ang kanilang mga reklamo sa mga pang-aabuso sa sistema ng pangongolekta sa kanilang mga utang na kinasasangkutan ng SLAIs.

vuukle comment

MULTI-PURPOSE COOPERATIVES

SAVINGS AND LOANS ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with