^

Bansa

Overloading sanhi ng pagbagsak ng tulay sa Zambo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Overloading sanhi ng  pagbagsak ng tulay sa Zambo
Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Housing and Urban Development sa pangunguna ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, lumalabas sa imbestigasyon ng National Housing Authority (NHA) na overloaded ang tulay na may kapasidad lamang na pito hanggang walong tao.
File

MANILA, Philippines — Overloading ang sanhi ng pagbagsak ng tulay sa Zamboanga City kaya nahulog ang ilang mambabatas na nagsasagawa ng inspeksyon sa low coast housing project doon.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Housing and Urban Development sa pangunguna ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, lumalabas sa imbestigasyon ng National Housing Authority (NHA) na overloaded ang tulay na may kapasidad lamang na pito hanggang walong tao.

Kaya nang manatili umano sa iisang lugar sa tulay ang grupo nina Benitez at bumigay ang tulay dahil sa bigat nila kung saan 16 sila doon ay hindi kinaya ng dalawang frames ng footbridge.

Base sa position paper na isinumite ng NHA Zamboanga Office sa komite, ipinaliwanag nila na humina rin ang tulay dahil nawala ang ilang structural components nito partikular ang cross bracings, na nasa ilalim ng tulay at ina­alis umano ng ilang residente  para maiparada nila ang kanilang mga bangka.

Matatandaan na na­ging kontrobersyal ang nasabing tulay noong Abril matapos na mahulog ang ilang kongresista, mga lokal na opisyal ng Zamboanga city at NHA sa ma­duming tubig na nag-viral pa sa social media.

Kaya ito ang sentro ng imbestigasyon ng Kamara habang ang low cost hou­sing ay itinayo ng NHA at DPWH para sa mga biktima ng Zamboanga siege noong 2013.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

LOW COAST HOUSING PROJECT

OVERLOADING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with