^

Bansa

Bong Go sumuporta sa anti-poverty walk ng INC

Pilipino Star Ngayon
Bong Go sumuporta sa  anti-poverty walk ng INC
Nakiisa kahapon si SAP Bong Go (nasa gitna) sa Worldwide walk to fight poverty ng Iglesia Ni Cristo sa Roxas Blvd., Maynila kahapon.

MANILA, Philippines — Nakiisa si Special Assistant to the President Bong Go sa isinagawang ikalawang Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia ni Cristo sa Roxas Blvd., kahapon ng umaga.

Pinuri ni Go ang INC sa ginagawa nitong charity walk para maka­tulong at malabanan ang kahirapan.

Sinabi ni Go na tunay na may puso ang INC sa pagtulong sa kapwa kaya hinihikayat niya ang iba pang religious groups, organisasyon at mga local government units na magsagawa rin ng mga kaparehong charity moves.

Ayon kay Go, sana ay muling kilalanin ng Guinness Book of World Records ang cha­rity walk ng INC kung saan at kinilala ito bilang largest charity walk na idinaos sa loob ng 24 hours noong 2014 dahil sa partisipasyon ng 519,221 sa 129 cities ?sa 16 na bansa.

Samantala, aminado si Go na hindi siya sanay na gumising nang maaga pero nakayanan nang sumabay sa iba pang kalahok at aminado siyang nasorpresa siya na nawala ang antok niya dahil sa sayang naramdaman niya nang makita niyang marami ang nakiisa para sa proyekto.

vuukle comment

IGLESIA NI CRISTO

WORLDWIDE WALK TO FIGHT POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with