^

Bansa

Appointment ni Sereno ipinapa-walang bisa

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Appointment ni Sereno ipinapa-walang bisa

Humingi ng paumanhin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kalituhan na naging bunga ng kanyang paghahain ng pagliban sa trabaho.

Philstar.com/Artemio Dumlao

MANILA, Philippines — Naghain nitong Biyernes ang abogadong si Oliver Lozano ng isang petisyon na humihiling sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang appointment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa umano’y hindi niya pagsunod sa mga “legal requirements” na kailangan para sa kanyang appointment.

Nakukuwestiyon ani Lozano ang appointment ni Sereno dahil umano sa hindi niya pagtupad sa mga mandatory legal requirements ng appointment kabilang ang paghahain ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth sa Judicial and Bar Council noong siya ay nag-apply bilang chief justice noong 2012.

“Wherefore, we respectfully pray that the honorable Court en banc, motu propio, declare void the appointment of Chief Justice Ma. Lourdes P.A. Sereno accordingly in the paramount interest of public welfare,” wika ni Lozano.

Samantala, sinabi naman ng Integrated Bar of the Philippines na maaari lamang mapatalsik sa puwesto ang isang chief justice sa pamamagitan ng isang impeachment trial base na rin sa Saligang Batas.

Kasalukuyang humaharap si Sereno sa reklamong impeachment dahil sa sinasabing hindi pagdedeklara ng kanyang mga ari-arian at dahil umano sa kanyang magarbong pamumuhay.

Dagdag ni Lozano na ang mga paratang na ibinabato laban sa punong hukom ay nagdulot ng pagkahati ng Korte Suprema at JBC.

“The protracted and scandalous controversy over the validity of Chief Justice Sereno’s appointment, and impeachment against her have caused deep division and dissension in the bench and bar,” sambit ni Lozano.

Inihayag din ng abogado na dapat mapanatili ng hudikatura ang kanilang integridad maging ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustiya sa bansa.

Pinaalalahanan pa ni Lozano ang mga mahistrado na ang “vacillation is dereliction” sa kanilang mga tungkulin.

Nagbanta naman ang House committee on justice na parusahan at kasuhan ng contempt ang isang tagapagsalita ni Sereno.

Sa isang sulat, hiningi ng komite ang paliwanag ni Anacleto Lacanilao III hinggil sa kanyang pahayag na si Sereno ay kukuha ng 15 araw na “wellness leave” upang mapaghandaan ang impeachment trial ng Senado.

Sa kontrobersiyal na sesyon ng SC en banc nitong kamakalawa, pinuwersa naman umano ng 13 justices ang punong mahistrado na pansamantalang lumiban sa kanyang trabaho, mag-resign, o kanila na lang ide-deklara ang posisyon na bakante.

“Despite news reports citing sources who were present in the en banc session claiming that chief justice Sereno was forced to go on an indefinite leave, thereby causing confusion to the members of the committee and to the public,” pahayag ng komite.

Pinabulaanan naman ng pinuno ng Komite na si Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali ang pahayag ni Lacanilao at sinabing si Sereno ay inobliga na kumuha ng “indefinite leave” ayon na rin sa kanyang mga sources sa mataas na hukuman.

Tinawag pa ni Umali ang pahayag ng tagapagsalita na bahagi ng “lies and deception” ng kampo ni Sereno.

“Should you fail or refuse to comply with this order, the committee shall take appropriate actions, which may include the possibility of citing you in contempt,” pahayag ng komite ni Umali sa kanilang sulat kay Lacanilao.

Matatandaang humingi ng paumanhin si Sereno sa kalituhan na naging bunga ng kanyang paghahain ng pagliban sa trabaho.

Nauna rito’y sinabi ng punong hukom na mataas ang posibilidad na mapatalsik siya sa kanyang puwesto.

Inasaahan naman na sa susunod na linggo ay mapagpapasyahan ang probable cause upang ma-impeach si Sereno.

Sinabi naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa ng Kamara ang kaso laban kay Sereno para sa paglilitis ng Senado bago magbakasyon ang Kongreso dahil sa Mahal na Araw.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

IMPEACHMENT PROCESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with