^

Bansa

Rolbak naman sa petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rolbak naman sa petrolyo

Ipatutupad ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes ngunit maaari pang magbago ang nasabing mga halaga depende sa ‘cut-off’ sa presyo ng inangkat na mga imported na langis nitong Biyernes at tinataya tuwing Lunes. File

MANILA, Philippines — Matapos ang anim na magkakasunod na pagtataas sa presyo ng petrolyo, magpapatupad naman ng malakihang rolbak ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong darating na linggo.

Sa datos buhat sa Department of Energy, inaasahan na tatapyasan ng P1-P1.35 kada litro sa diesel, P1-P1.10 sa kada litro ng gasolina at P.80-P.90 sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes ngunit maaari pang magbago ang nasabing mga halaga depende sa ‘cut-off’ sa presyo ng inangkat na mga imported na langis nitong Biyernes at tinataya tuwing Lunes.

Bago ang inaasahang rolbak, nagpatupad ng anim na sunod na pagtataas sa presyo ang mga kumpanya ng langis mula Enero 1 hanggang Peb­rero 6 kasama pa ang idinagdag na bagong excise tax dahil sa TRAIN Law.

Sa naturang anim na linggo, nagkaroon ng pagtataas na P5.90 sa kada litro ng diesel at ?P5.12 naman sa kada litro ng gasolina.

Sa cut-off nitong Pebrero 6, naglalaro ang presyo ng diesel sa Metro Manila mula P36.90-P42.89, sa gasolina naman ay P46.75-P57.77, at sa kerosene ay may presyo mula P43.02-P52.76 kada litro.

vuukle comment

OIL HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with