^

Bansa

PNP posibleng bumalik sa drug war – Digong

Pilipino Star Ngayon
PNP posibleng bumalik sa drug war – Digong

MANILA, Philippines  — Kung muling magiging malala ang problema ng bansa sa ilegal na droga, maaaring bumalik ang Philippine National Police (PNP) sa giyera laban dito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The drug problem, if it becomes worse again, the police have to enter the picture,” pahayag ni Duterte nitong Sabado sa Davao City.

Sa pangalawang pagkakataon ay inalis ni Duterte ang PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga kung saan pinahawak niya ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Unang sinuspinde ang operasyon ng PNP laban sa ilegal na droga nitong Enero matapos masiwalat ang pagpaslang sa isang Korean businessman sa loob ng Camp Crame.

Muling tinanggal ang PNP sa drug war matapos ang magkakasunod na pagpatay sa ilang teenager sa Caloocan City.

“I’m sorry. I want it eradicated if possible. I don’t care because we are fighting an organized crime,” sabi ni Duterte.

Muli namang niyang binanggit na ang ilegal na droga ang ugat ng krimen sa bansa.

“So you create insane people and new slaves. You turn citizens into slavery to ache for a chemical everyday. If you do not have the money, you have to steal. If you do not have the money, you have to kill,” sabi ni Duterte.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with