^

Bansa

Trip to HK sa matatapang na pulis, sundalo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Trip to HK sa matatapang na pulis, sundalo

Muling dumalaw kamakalawa ang Pangulo sa Marawi at inihayag nito na nais niyang bigyan ng prize ang mga matatapang na sundalo kasama na ang pagpapa-raffle sa kanyang mga baril, biyahe sa Hongkong at maging ang pagdadala ng mga artista. File

Premyo ni Duterte

MANILA, Philippines - Nais ni Pangulong Duterte na bigyan ng prem­yo kabilang ang biyahe sa Hongkong ang mga mapipiling matatapang na pulis at sundalo na lumalaban sa Maute-ISIS terrorists sa Marawi City.

Muling dumalaw kamakalawa ang Pangulo sa Marawi at inihayag nito na nais niyang bigyan ng prize ang mga matatapang na sundalo kasama na ang pagpapa-raffle sa kanyang mga baril, biyahe sa Hongkong at maging ang pagdadala ng mga artista.

“So kung sino ‘yung --- mga valor-valor diyan, si­gurado, meron kayong ano. Ibigay ko na ‘yung mga baril ko, matanda na ako at tsaka nawala na ‘yung hilig ko. Wala na kasi akong hilig dun. Pang --- pangbigay ko ‘yan sa mga ano… Sigurado ‘yang may mga valor dito. I’ll give one. Kung marami kayo, bunot-bunot na lang. Ang consolation prizes, ‘yung mga artista dadalhin ko,” sabi ni Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na nananalo na ang tropa ng gobyerno kaya magbibigay siya ng prize sa sandaling matapos ang labanan.

“Ito, nananalo na tayo. So ‘yan ang ano… At tsaka siguro may prize ako ‘yung ano --- ‘yung valor, ‘yung mga tigas. Mga Hong Kong siguro.  Hong Kong --- libre ‘yan. Kung gusto mo magdala ng partner, asawa… Kung ayaw mo naman, sabihin mong ituro mo ‘yung artista na gusto mo at pakiusapan natin,” pahayag ni Duterte na ikinatuwa naman ng mga nakikinig na sundalo.

Marami aniyang pa-premyo ang naghihintay sa mga nakikipaglaban sa Marawi kaya dapat manatiling buhay ang mga ito at huwag magmadali sa pagkikipag-giyera.

“Sige lang. You will have so many surprises coming your way. I hope that --- stay alive, fight cool, do not be in a hurry, do not go into a rage kasi ‘pag galit ka, idadamay mo sarili mo. Take time tutal patapos na, and try to be alive because we will be --- hopefully, insha’Allah, we will be meeting each other,” pahayag ni Duterte.

Pinayuhan pa ng Pa­ngulo ang mga sundalo na mag-relax at huwag pairalin ang emosyon upang manatiling buhay.

“Dahan-dahan na lang tutal patapos na eh. You need not hurry. Ang problema diyan ‘yung mabilis ang gusto. Tandaan niyo giyera ‘to, bala ang kalaban mo dito….huwag kang pumasok sa giyera na may galit ka. Pasok mo doon sa war zone, isipin mo may papatayin ka. But do not --- ‘yung may hate ka. Kasi kung may galit ka, susubsob ka eh…When you enter the war zone, relax ka lang, relax,” ani Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with