^

Bansa

P50K tax exemption sa mga solo parents isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na naglala­yong bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents kabilang na ang P50,000 personal tax exemption na P50,000.

Sa Senate Bill 715 na inihain ni Sen. Bam Aquino, sinabi nito na isang malaking hamon para sa mga solo parents ang pagpapalaki ng kanilang mga anak. “Nurturing a healthy family takes a lot of time, effort, and resources. For solo parents, the challenge is even greater. Plus, the financial burden as breadwinner makes it even more difficult for solo parents,” wika pa ni Sen. Aquino.

Layunin ng panukala na amyendahan ang Republic Act No. 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 para madagdagan ang benepisyo ng solo parents at palakasin ang batas sa pamamagitan ng pagpataw ng parusa sa mga hindi sumusunod dito. Bukod sa personal tax exemption na P50,000, bibigyan din ang solo parents ng 10-porsiyentong discount sa pagbili ng damit ng kanilang anak at 15-porsiyentong discount sa gatas at pagkain ng bata hanggang dalawang taon mula sa pagsilang.

Dagdag pa rito, mayroon din silang 15-porsiyentong diskuwento sa gamot at medical supply hanggang limang taon mula pagsilang at 10-porsiyentong discount sa tuition fees. Kamakailan, kasama si Aquino sa mga bumoto sa pagpasa ng panukalang iniakda ni Sen. Risa Hontiveros, na nagbibigay sa nagtatrabahong babae ng 120 araw na maternity leave at 150 araw para sa solo mothers.

vuukle comment

TAX EXEMPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with